Eto nanaman ako sa aking taxi adventures!
Sumakay ako ng taxi pauwi pagkatapos naming uminom ng Gin premium w/ green tea extract ng mga ka opisina ko. BIglang nag alburuto ang tiyan ko... nakipag talo pa ko sa sarili ko. Pag umutot ako dito sa loob, ma-aamoy kaya ni kuya? Napag desisyonan ko na wag na lang kasi ako din ang magiging kawawa sa lupet ng magiging amoy nito. Masama talaga ang pakiramdam ko noon dahil nga gusto ko ng magbawas.
Kaya nung malapit na ko sa bahay ko at biglang lumiko and manong drayber... galit na galit lang talaga ako!
Drayber: Dead end na yun ma'am.
Ako: Hindi, diretcho ka lang.
Drayber: Hindi pwede, dead end na yan. Kumanan sha pabalik sa p.tuazon (main road)
Ako: Kuya! San ka pupunta? Yun na yung bahay ko oh!
Drayber: Ah hinde. Hindi ako babalik dun!
Ako: Ha?! San mo ko dadalhin? andun na yung bahay ko!
Drayber: Mamaya may nag hihintay sakin dun! Hindi na ko babalik dun!
Ako: Kuya! Mukha ba kong magnanakaw? Ano ka ba?! Pag kanan mo dun katipunan na kaya yun! Hindi yun dead end mamatay man ako dito sa taxi mo ngayon!
(Nag aalburuto na talaga ang tiyan ko nito... nakadungaw na yata.)
Drayber: Hindi talaga! Ibababa na lang kita sa katipunan.
Ako: HA!? (drop jaw ito) Eh pano ko uuwe?
Drayber: Mag tricycle ka!
Ako: May nakikita ka bang tricycle??? Alas tres na ng umaga! Alangan na mang maglakad ako from katipunan to p.tuazon!!!
Drayber: Ah basta...
Ako: Sige baba mo ko kahit san dito... hindi kita babayaran. (140 na ang bill)
Drayber: Aba... hindi pwede yan.
Ako: Kaya nga ako nag taxi para hindi ako maglakad tapos kung san san mo lang ako ibababa!
Drayber: Ayusin na lang natin to sa prisinto. (May prisintong malapit sa amin)
Ako: (Keber face) Aba e di punta tayo dun! Ako pa tinakot mo!
Sa prisinto, may 3 pulis na nag uusap. Bumababa ako ng taxi at sinabi ko na hindi ko babayaran yung taxi kasi ayaw niya ko ihatid sa bahay ko. Aba ang manong drayber nagsi-sisigaw doon. Kesho may kasabwat daw ako! Napatawa na lang ako kasi ang sabi ng mamang pulis ay:
Muka ba namang mang gagancho si ma'am? Tingnan mo naman itsura ni ma'am naka dress na makintab pa! (Naka pula akong bistida na may sequins sa may neck-line... susyal! hehe)
Si manong drayber biglang kabig at ipinakita sa mamang pulis and hiwa sa gilid ng kanyang leeg.
Na holdap na po kasi ako noon ser. Babae din. Ayoko ng mangyari ulit uon. Na-trauma po kasi ako. Sana mainindihan niyo.
Mejo naawa naman ako di ba... pero bakit niya nilalahat? HIndi tama yon!
Ako: E di wag mo na ko ihatid dun sa bahay ko. Basta hindi ako magbabayad!
Drayber: Ser! Sabihan niyo naman!
Mamang Pulis: O sha sha... sasamahan ko na lang kayo sa bahay ni ma'am.
Ako: Salamat po.
(Hindi na ko nag salita sa loob ng taxi kasi nga amoy chico ako. Baka sabihin ng pulis eh lasengera ako.... hmm... actually....)
Hinatid ako ng drayber at ni mamang pulis sa bahay ko.
Drayber: Pasensha na ma'am.. mukha kasing dead end kanina eh.
Ako: Sabi ko naman sa yo hindi eh. O sha eto na. (nagpasalamat ako sa mamang pulis)
Haay! Baligtad na talaga ang mundo. Ang mga drayber na ngayon ang takot sa mga maliliit na babaeng katulad ko.
Pagkamalan ba namang akong mang ho-holdap!?
Hindi ko rin naman masisi si kuya kasi nga wala naman sa itsura ang mga masasamang loob. Minsan nga, yung mga naka kurbata pa ang mga snatser. Ikinwento ko ito sa mama ko at ang sabi niya sakin ay mag-resign na daw ako kasi delikado daw. Ang sabi ko naman sa kanya, ma kahit saan naman may ganyan. Kailangan lang akong mag ingat. Taguig, makati, sukat, ortigas o cubao man yan.
Nakakatakot naman talaga ang mundo ngayon. Pero kung sa bahay ka lang naman at mabuhay ka sa takot... eh wala ng mangyayari sa buhay mo. Katulad ng sinabi ng isang munting asul na isda.."if you don't want anything to happen to him, then NOTHING will ever happen to him"
Haay buhay.