Heto nanaman ako sa mga taxi adventures ko.
Galing Makati, pumunta ako ng Taguig para i-meet ang kaibigan ko.
Ako: Boss, taguig po.
Drayber: Mam sarado ang ayala daan na lang tayo sa Bayani road.
Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya dahil kakakain ko lang ng butterscotch "adult" ice cream (may halong whiskey pero parang may halong ice cream lang yung whiskey). At mejo gumegewang pa ang mundo ko.
Ako: Ah oo sige dun na lang!
Rrrring Rrring!
Tumawag ang kaibigan ko. Nakipagkwentuhan at nakipagtawanan sa telepono. Napansin ko, na si manong ay tingin ng tingin sa akin at sa kanyang kaliwang gilid. Shempre na-aning nanaman ako! kakabili ko lang ng telepono at ayoko ng mawala nanaman ito kaya gumawa gawa na lang ako ng kwento sa kaibigan ko.
Ako: Wala na nga akong pera eh! Siguro hanggang 3 araw na lang ang kakayanin ng pera ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko .. haaaay.
Kunwari lang yun para hindi ako mapagisipan ng masama ni kuya.
Click.
May nadaanan kaming sementeryo. Malaki ito at maganda. Napatingin ako ng mga tatlumpung segundo.
Nawirduhan nanaman ako kay manong drayber. Hindi niya sinasagot ang telepono niyang ring ng ring at tingin sha ng tingin sa akin.
Nagising nanaman ako sa aking ulirat at pumagitna sa likod. Sinuksok ko ang ulo ko sa gitna ng dalawang upuan sa harapan. Tingin sakin ng tingin ang manong.
Nang biglangbiglang...
Ako: Manong! Nakatayo ang mga balahibo mo sa kamay!
Binuksan ng manong drayber ng ilaw at pilit niyang ibinababa ang mga buhok sa braso.
Mejo na-aning nanaman ako.
Ako: Hala kuya! Bakit nakatayo ang mga balahibo mo?!
Oo sumisigaw na ako nito sa sobrang pagka-aning.
Drayber: Wala mam. May pumara kasi satin kaning babae.
Ako: HAH!? (laglag baba...) Hinampas ko ng pagkalakas-lakas si kuya at tumili pa yata ako ng kaunti. Kuya! Wag mo akong tatakutin!! Nakakainis ka naman eh!
Drayber: Hindi ko kayo tinatakot mam. Akala ko nga nakita mo kasi tumingin ka sa kanya ng matagal.
Ako: EEeeeeeh! Kuyaaaaaaaaa! Hampas, hampas.
Naiiyak na talaga ako nito. Punyetang ice cream yan.
Sinabihan ako ni kuya na wag na akong matakot kasi wala na. Parati naman daw shang may nakikita doon sa lugar na yun. Akala lang daw niya ay nakita ko din. Anak nang! Kung may nakita man ako.. hindi ko sha tititigan noo!
Nagbayad na ko kay kuya ng 120php.
Ako: Hay nako kuya. May nagsabi sakin dati na dapat daw isarado ko yang third-eye na yan. Baka nga daw may third eye ako. Minsan kasi bigla na lang akong kikilabutan! Totoo! Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nakakatitig dun kanina eh. Wala naman akong nakita.
(Mejo mas madaldal ako pag naimpluwensyahan ng alkohol. Mahaba pa ito, hindi ko lang maalala)
Drayber: Mam, pwede na po kayong bumaba.
Ako: Ay sori. Sige ingat!

No comments:
Post a Comment